News
latest news
AKTOR NAPASABAK SA BL SERIES!
December 25, 2023 by RB Borinaga
Hindi na mapipigilan pa ang pagsabak ng aspiring famous supporting actor na si Gerry Yabes. Ito ay upang subukin ang natatangi niyang galing sa pag-arte.
Mapapanood siya ngayon sa YouTube short film na Tomorrow Never Comes.
Ang Tomorrow Never Comes ay BL Series ng Direk Cyrus TV Productions.
Ginampanan ni Gerry Yabes ang papel ni Isaac bilang nobyong bakla ni Raul. Ito ay kwento ng mag nobyo. Tapos ang dalawang kapatid ng nobyo ng bakla ay lihim na mga bakla din pala.
Kapansin pansin rin ang pagpapakitang gilas ng aspiring film maker at aktor na si Rholz Quim Pebte. Ito ay para gampanan ang papel bilang Raul.
Si Rholz Quim Pebte ay vlogger ng RQTV Productions na taga Zambales sa totoong buhay.
Aba’y talaga namang pang FAMAS award din ang pagganap ni Gerry Yabes dito. Hinusayan kasi nitong gampanan ang kanyang papel bilang baklang nobyo ni Raul.
Si Gerry Yabes ay aspiring famous supporting aktor. Naging kabahagi na rin siya ng PETA Acting Workshop. Ganun din ang iba’t-ibang YouTube channel short films.
Ayon pa kay Gerry, “Gusto ko pong maging sikat na supporting actor kagaya nina John Lapus, Roderick Paulate at Allan K kaya ginagawa kong stepping stone ang pagganap ng iba’t-ibang roles sa mga short films ng YouTube channel.”
“Nagpaline-up na rin po ako sa 2024 for TV and film exposures naman”, dugtong niyang wika.
Ganyan ka organized sa career itong aspiring famous supporting actor nating si Gerry Yabes.
Si Gerry Yabes ay tubong Isabela. Siya ay naninirahan ngayon sa West Rembo, Taguig City. Nagtapos siya ng BS Information Technology. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Journalism sa CAP College Foundation Inc. Makati.
Ito naman ang sagot ni Gerry Yabes sa katanungang pinangarap niya ba talagang maging artista noong bata pa siya, “ Oo pinangarap kong maging artista, kasi gusto ko mapanood din ako sa mga pelikula, at sa TV shows.“
Narito naman ang mensahe ng kaniyang magulang at kapatid, “Gerry ituloy mo lang ang pag-aartista, laging gawin ang the best at magpakitang gilas sa mga auditions, tapings, atbp. Huwag damdamin kung may nasasabi man ang mga basher mo which you should expect dahil pinasok mo yang mundo ng pag-aartista. Isapuso mo palagi ang role mo at lahat ng iyong ginagawa.”
Ayon pa kay Gerry, “Kapag ako'y sumikat, gusto ko magkaroon ng maraming investments like sariling bahay at lupa, magkaroon ng sasakyan, talent agency at maraming pang negosyo. Gusto ko maging kabahagi ng paggawa ng maraming pelikula at suportahan ang mga bagong sibol na talents sa Isabela.”
Ang pinanghahawakang quotes ni Gerry sa karerang ito ay, “If you can dream it, you can do it, by Walt Disney.”
Subaybayan natin ang paglago ng karera nitong aspiring famous supporting actor na si Gerry Yabes.
Gerry, when shifts and transitions in life shake you to the core, see that as a sign of the greatness that’s about to occur.
Para sa umaatikabong showbiz balita panatilihing tumutok kay i.CHIKA!
GERRY YABES: HINASA ANG ACTING SKILLS SA PETA!
November 06, 2023 by RB Borinaga
Ganito nga ka-determinado ang talent actor nating si Gerry Yabes na paghandaan ang showbiz career, kung saan iginugol nito ang ilang panahon sa pagsali ng theater workshop sa PETA (Philippine Educational Theater Association).
Dahil nga sa pagnanais ng aktor na paghusayan pang lalo ang karera sa showbiz ay nagdesisyon na siyang pasukin ang theatro para mas gumaling pa lalo sa pag-arte.
Nitong nakalipas nga lang na Setyembre 23,2023 hanggang Oktubre 29,2023 ay idinaos ang PETA WORKSHOP WEEKENDS. Kabilang si Gerry Yabes sa Theater Arts AM Class.
Ang kanilang Recital Day naman ay matagumpay na idinaos sa PETA Theater nitong Oktubre 29,2023 lang. Ginampanan niya ang character ng isang Robot sa McJolliSal Restaurant sa theater play nilang CTRL + ALT + DECEIT.
Ayon pa sa aktor,”Matagal ko na po talagang pinapangarap ang maging isang artista para maiahon ang aking mga magulang sa kahirapan.”
Ang Ama ni Gerry ay isang magsasaka, ang ina naman niya ay isang maybahay lamang.
Lumabas na si Gerry sa mga YouTube Short Film Vlog ng The Family Ordinary Film Production. Ang pamagat ng mga pelikulang pinagtampukan niya ay: ANG WAKAS, NAKUAW, CORAZON, NAHULING MAY IBANG LALAKI at ANAK BAKLA AKO.
Bukod diyan ay hindi rin papahuli ang talent actor sa pagiging degree holder dahil graduate din siya ng BS-IT (Bachelor of Science in Information Technology) at kasalukuyan ding kumukuha ngayon ng kursong Journalism sa CAP College Foundation Inc. Makati.
Si Gerry ay panganay na anak nina Isagani at Milagros Yabes. Ipinanganak noong Oktubre 18,1983 sa bayan ng Ilagan, Isabela. 40 taong gulang, 5’6 ang height at kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.
“Inaasam-asam ko rin po ang magkaroon ng maraming parangal sa larangan ng pag-arte katulad ng mga hinahangaan kong aktor na sina Daniel Razon, Mon Confiado at John Arcilla”, wika ni Gerry Yabes.
Maliban sa pag-aartista ay nangangarap rin ang talent actor nating si Gerry Yabes na maging journalist balang araw.
Samahan nyo akong subaybayan ang pagpupunyagi ni Gerry Yabes sa kaniyang karera sa showbiz.
Gerry, May God’s grace shine upon you and strengthen you ahead!
Para sa marami pang kapanapanabik na showbiz balita, tumutok lang linggo-linggo sa nag-iisang column ni i.CHIKA.